Monday, February 02, 2009

Jeepers Creepers

Patok, Sabit, Sarao, “God knows Hudas not pay”, “Hila mo, Hinto ko”, “Barya lang po sa Umaga”, Ilan lang yan sa mga salitang naka pag papaalala sa atin ng pinaka popular na mode of transportation dito sa Pilipinas—Ang Jeep.

At kung mahilig kang sumakay nito o kung sa araw araw na ginawa ng Diyos ay sumasakay ka nito, alam mo kung ano ang tawag sayo? JEEPers Creepers. Salitang nabuo ng ilang kaibigan ko nuong kolehiyo. Ito ay ginamit na pang-aasar sa ibang kaibigan na nakaugalian nang sumakay ng Jeep papasok ng eskuwelahan upang makapagtipid. Read: Simula Rizal hanggang Maynila naka-jeep, tipong ganon. Hindi pa gawa ang LRT-2 nun, kaya G-Liner (1 ride) at FX (2 rides) lang ang pinaka common na sasakyan ng mga estudyanteng manggagaling sa Rizal papasok ng Maynila dati.

Hindi ako mahilig sumakay ng Jeep. Oo, maarte ako. Kung may ibang option din lang naman ako e di mas pipiliin ko nang mag-fx kaysa ang mag-jeep. Sino ba naman ang may gustong gawing pang finishing touches ang alikabok sa mukha mong pagka tagal tagal mong inayos? Ako ayoko, ikaw ba gusto mo?

Due to unavoidable circumstances, tulad ng paglipat namin ng opisina. May mga panahong kakailanganin ko talagang sumakay ng jeep. Maikling byahe lang naman at sa pag-uwi lang, kaya tanggap ko na rin kahit papano. In a way, JEEPers Creepers na rin ako, hehehe.

May napansin lang ako sa mga jeep ngayon, lalung-lalo na sa mga patok na jeep. You’re a major loser kung hindi mo alam kung ano yung “patok”. Yung mga jeep na kung baga sa kotse e naka-set up at may pagkalakas-lakas na sounds na parang wala ng bukas kung magpatugtog yung driver, ganon. Tip ko lang, dapat magdadala ka ng saktong pambayad sa jeep para hindi ka na mahirapan kunin ang sukli mo sa lakas ng pagpapatugtog ng mga driver na yon. Ewan ko lang ha? pero parang feeling ko technique din ng ibang driver yon para kunyari wala silang naririnig. Ang hirap kaya sumigaw simula sa dulo ng jeep para lang marinig ng driver na hinihingi mo yung sukli mo.

Bakit ako nagkakaganto?

Oo, hindi nasuklian yung bente na binayad ko nung sumakay ako ng jeep nung isang linggo. pffftt!

6 comments:

Anonymous said...

bente pesos? watdapak. dapat sinigawan mo talaga ng malakas si manong. o siguro nakalimutan mo lang yung sukli mo? haha

yaan mo, pag nagkasabay tayo sa jip, libre na kita para makatulog ka na ng mahimbing sa gabi. hehe

misyu, pam.

Axel said...

@Jeck >> asus, ikaw manlilibre?? ahahaha...

Basta sigawan mo lang si manong o kaya batuhin mo... hehehe

Anonymous said...

isa pang sign na patok yung jeep, parang byaheng impyerno sa bilis...

kaya kung nagmamadali ka, sumakay ka sa patok...ahahaha...

kahit trafik isisingit at isisingit ni manong ang patok nya maka-alagwa lang!

PoPoY said...

may ganayang jip din sa amin pampoy. nakakatakot yung ganyang mga patok na yan. yung tipong magdasal ka na kasi baka huling araw mo na to. yung mga ganun? hahaha

sayang yung sukli sa bente mo. dapat nga sumigaw ka na lang. mahirap ang buhay ngayon. mahalaga ang bawat sentimo :)

Anonymous said...

first time ko to visit your blog and i admit, na-impress ako at once.. obviously, i got interested to even read your posts. hehe.

anyway, when i was still in pinas, naiinis din ako sa ibang drayber... lalo na yung nagkukunwaring nakalimutan na nilang ibigay yung sukli mo. unfair yun ha... kaya usually, like what you mentioned, i bring alone enough na barya para sakto ang bayad ko..

mas masarap parin sumakay sa FX! hehe

anyway, sana mapadaan ka minsan sa blog ko and probably, exchange links tayo.. yung eh kung interesado ka.

magandang araw!

Anonymous said...

Kinakabahan ako lagi kapag sumasakay ako sa mga patok na jeep. Sana naman ay iwas aksidente ang lahat ng mga drivers.

I am Segundina and here is my site:
http://segundina.wordpress.com