WARNING: Mahaba ba ang pasensya mo? Kung oo cge basahin mo 'to. Kung hindi e di wag.
Nakakatuwang mag-reminisce. Lalo na yung mga panahong napaka-simple lang ng mga ginagawa mo araw araw--ang pumasok at mag-aral. Syempre hindi ko yan naisip nung mga panahong yon. Lahat naman siguro tayo nag-wish na tumanda na at makapagtrabaho na nung mga panahong nag-aaral pa tayo di ba? At alam kong 101% din kayong sasang ayon sakin na ngayong nagtatrabaho na tayo e wini-wish natin na sana ay estudyante na lang tayo ulit. Tama? ok.
Kakagawa ko lang ng account sa yahoo groups para sa mga kaklase ko nung 4th year high school, 8 years ago na rin yon. Ginawa na rin namin to as a preparation for the upcoming grand reunion ng batch namin which is I think sa 2010. Ako ang pinagawa ni
Voltaire ng account nang mapakinabangan naman daw ang pag petiks ko dito sa opisina at halos everyday naman daw akong online so plus na yon kasi makaka-keep track kami sa everyday updates.
Wala na kong lusot sa mga nasabing dahilan (lalo na sa pagpetiks) kaya naman napa-oo na ko. Madali lang naman yon, register: check! answer questions: check! almost finished na. Ang problema ko na lang e kung pano isa-isang i-add ang mga kaklase namin. Hindi naman kasi ganun ka-sharp yung memory ko para maalala silang lahat di ba? So what I did was halughugin ang buong bahay namin pag-uwi ko at hanapin ang ibinaon ko na sa limot na HS yearbook namin (hindi ko ipopost ang itsura ko dun asa pa kayo. hahaha). Pero syempre kahit anong iwas ang gawin ko, hindi ko pwedeng laktawan ang pahina na pinaka ayokong makita. no choice naman kasi ako di ba?
Anyway, maliban sa out of this world na mga itsura namin nung high school sa naturang yearbook e hindi ko maiwasang matawa sa mga nakasulat don. Iba talaga ang takbo ng utak ng mga batchmates ko kabataan nung mga panahon kong yon.
Isa sa pinaka tinutukan kong basahin ay ang mga mottos in life namin nila:
Umpisahan natin sa mga matitino. Syempre ito yung mga seryosong mottos in life nila tulad ng:
The secret of contentment is knowing how to enjoy what you have, and to be able to lose all desires for things beyond your reach.
Meron din namang mga motto na pwede mong ikumpara sa plaka ng nag-mi-mix na DJ sa isang club--gasgas:
A dito medyo natawa ako. Yung mga motto na parang sumasagot lang sa question and answer portion ng isang beauty pageant.
Question: What is beauty? What is your motto in life?
O di ba? Pwede nang kapalit ni Janina San Miguel.
Meron ding mga motto na mapapatanong ka na lang ng "Ha? Ano daw?":
Question: What is your motto in life?
One is enough, two is too much, three is dangerous.
May mga motto na parang kanta lang. Yung tipong tinamad na yung estudyante mag isip at nilagay na lang nya yung lyrics ng paborito nyang kanta.
Question: What is your motto in life?
Hit me baby one more time coz you drive me crazy <--hindi ko alam kung bakit ako natawa dito aside sa fact na lalaki ang naglagay nito
EMO KA BA? Hindi ko alam kung uso na yung mga emo-emo nung mga panahon na yon pero karamihan sa mga motto na nandun sa yearbook namin ay emo. At ang usual na topic? but op kors--LOVE! Parang ewan lang e no, tatanungin ka ng "What is your motto in life?" tapos sasagutin mo ng:
If one wants to go let him go, only time will tell if someone gets to be for you.
Don;t say goodbye if you still love the person cause you'll only know how important he is if he's not yours.
Love is not blind it has an extra spirirtual eye which sees the good possibilities that others cannot see.
Imagine-in mo, kung ikaw yung nagtatanong sa kanila at isa sa nakalista sa taas ang mga sinagot nya hindi ka ba ma-bo-bother? Hays. Dahil dyan sa hindi sila makaka-avail ng
promo ng Cebu Pacific--ang daming baggage! Pero hindi ko rin maiwasang hindi maisip na parang sumasagot lang sila ng autograph. Hihi.
At syempre last but not the least e mawawala ba naman yung mga pang makukulit na motto?
"What is your motto in life?"
Kapag may aklat, sikat! Now you know.
Don;t be a bad boy, be a good boy.
f you can't bite 'em, just eat 'em.
Once you pump, you can't stop
Medyo mababaw pero tawang tawa talaga ako. Siguro kasi na-a-associate ko yung motto dun sa personality nung taong nagsabi.
Ang sarap mag reminisce lalo na pag kasama mo na yung mga taong involved, kaya naman I can't wait for December na. After 8 long years magkikita-kita ulit kami. Well yung section lang namin, wala kasi kaming balak umattend sa much talked about and uber publicized na "mini reunion" daw ng buong batch which is sa December pa rin. Kaya mini kasi yung grand reunion daw ay yung sa 2010, ang gulo di ba? Not to mention the never ending texts and flooded comments in our friendster bulletin board. The supposed to be "reunion" seems to be not serving its purpose, hindi pa nagrereunion ang dami nang nagka-clash. O well, i'll talk about that issue in another post--maybe.
Hays.
Ito nga pala yung class picture namin. Hanapin nyo ko. Hahaha!
P.S. Kung isa ka man sa mga ka-batch ko na may-ari ng mga motto na nabanggit ko, isa lang ang masasabi ko para sayo:
PEACE! :)