Thursday, October 30, 2008

FX chronicles #2: Para sayo to

Para sa napakagaling na lalakeng katapat ko sa fx kagabi:





1 word: gagu mo!





Ay 2 words pala yon. Scratch those 2 words. May mga sasabihin pa ko sayo.





Hoy lalake! Para sabihin ko sayo hindi ka ka-gwapuhan no?! Oo maganda nga ang tone of voice mo pero hindi mo ko madadaan sa ganyan. Ilang beses na ko nauto nyan, ang I learned my lesson. Itsura nito.





Ay teka bago pa maging emo post ito ay ittype ko na ang talagang gusto kong sabihin para sayo mamang pa-cute.





Pwede bang pag uupo ka e isipin mo na hindi mo pag aari ang fx na sinasakyan mo? May iba ka pang kasakay for crying out loud. Habang sarap na sarap ka sa pagtulog mo e siksik na siksik naman ako dun sa isang tabi. Ano akala mo saken babaeng walang tuhod?





Buti na lang at kahit papano ay naeentertain mo ako kung hindi nakow! baka nagwala na ko don. Alam mo ba na kating kati ang kamay ko na kuhanin ang cellphone ko, itutok sa pagmumukha mo at kunan kang nakanganga habang unti unting tumutulo yung laway mo? Uuyy! oo nakita ko, syempre nag pretend na lang ako na hindi para naman hindi ka mahiya sakin. Ang hirap kaya magpigil ng tawa. Pasalamat ka na lang at hindi yung fx na may blacklight ang nasakyan natin at wala akong blackberry phone na may flash.





Naiintindihan ko naman kung uwing uwi ka na. Sino ba naman ang hindi, di ba? Ako nga araw araw nakaabang sa harap ng bundee clock tuwing 5:59. Pero naman! wag mo namang gawing parang kwarto mo na yung loob ng fx, kulang na lang e tanggalin ko pa para sayo yung sapatos mo nang dirediretso na pagtulog mo. Higang Higa ka e. Hmp ka talaga!





At eto pa, ang sobrang nakakabwisit sa lahat e yung wala kang pakialam. Konsiderasyon naman oy.





Nga pala, sori ha?! Napasobra ata taas ng paa ko nung bumaba ka. Yan tuloy muntikan ka nang sumubsob ng tuluyan. Ikaw kasi e. Peace :)

No comments: