Yan ang bilang ng extension cords na magkakadugtong ngayon dito sa opisina namin. Bakit? Dahil brownout. Oo nagbbrown out din sa Makati. At oo, wala kaming emergency chuvaness kung ano man ang tawag dun. For some reason e sa pantry lang namin may kuryente. Kaya naman ginawa namin ang lahat ng aming makakaya para lang makahagilap ng extension cords na makikita namin na isasaksak sa natitirang 2 socket na nakapagbigay sa amin ng pag-asa from a possible pagkabagot.
At take note, sa nasabing 5 extension cords ay 2 ang may tag-anim na sockets at yung tatlo naman ay may tag-aapat. Imagine-in mo lahat yon may nakasaksak, puro computer. San ka pa? Hindi na ko magtataka pa pag maya maya ay may maaamoy na kong parang nasusunog o may bigla na lang sumabog dito. Naku wag naman sana, mamaya na lang pag-uwi ko. LOL! Joke lang.
15 minutes na lang uuwi na ko, ang tagal ng oras. Kanina pa walang kuryente simula pa lunch break. Kanina pa rin kami nag-ga-gaguhan dito sa opisina habang nakikinig sa mga kanta ng eheads. Haaayyy, eheads… Naalala ko na naman.. Oo, ako ay kasalukuyang may hangover pa rin from last week’s concert.
Ayan 5 minutes na lang. Tapos na rin sa wakas ang 5 oras na pag petiks.
Uwi na ko.
15 minutes na lang uuwi na ko, ang tagal ng oras. Kanina pa walang kuryente simula pa lunch break. Kanina pa rin kami nag-ga-gaguhan dito sa opisina habang nakikinig sa mga kanta ng eheads. Haaayyy, eheads… Naalala ko na naman.. Oo, ako ay kasalukuyang may hangover pa rin from last week’s concert.
Ayan 5 minutes na lang. Tapos na rin sa wakas ang 5 oras na pag petiks.
Uwi na ko.

10 comments:
naimagine ko yung 5 extension cords na magkakadugtong. ginawa ko na din kasi dati yun, mas marami nga lang kasi 8. LOL.
LSS ko pa din hanggang ngayon ang mga kanta ng eheads. bitin pero ok na din. :D
Naku Pedro buti hindi nag-overload ano?Hehehe. Gusto nga naming isaksak pati yung aircon e kaso nga lang hindi naman pwede. LOL
Bitin nga, pero worth it naman. If ever na may part 2 siguradong manunuod ako. Hehehe, parang adik lang.
ay pampoy, naku masama ang dugtong dugtong na cord na ganyan. maaaring maging sanhi yan ng sunog na pwedeng ikasunog ng bilding. ahaha. takte bangag kasi ako ngayon lols.
bright idea din pala yun, sparkling idea din, buti ndi nagspark yung mga kurdon lols
Popoy, buti nga kamo walang masamang nangyari. Kung hindi baka hindi na ko makapag-Baguio. Wehehehe, hindi halatang excited. LOL
wahaha. kelangan talaga kasama yung baguio sa usapan hahaha
bawal yan.. isusumbong kita
@MTE Hahaha! wag naman =P
kaya hindi umasenso ang bansa natin dahil dyan...
@ MTE dahil sa brownout o dahil sa extension na dugtong dugtong? hmmm..
all of the above!
Post a Comment