Grabe na talaga ang nagagawa ng mga commercial ngayon ano?
This happened just this morning:
Pampoy: *admin staff 1’s name here* penge naman ako ng gamot. Sama ng pakiramdam ko eh.
Pampoy: *admin staff 1’s name here* penge naman ako ng gamot. Sama ng pakiramdam ko eh.
Admin Staff 1: O sige po. (stood up and took the medicine box)
Pampoy: Ano bang pinaka-effective na gamot para sa sakit ng katawan, sakit ng ulo, sipon saka ubo?
Admin Staff 1: Ay hindi ko po alam.
Pampoy: (while looking at the "few" contents of the medicine box) Pwede na ba yung neozep?
Admin staff 2: Naku wag yun, sabi ng mga duktor na hindi naman daw talaga nakakapagpawala ng sipon ang neozep, nakakapagpatuyo lang so mas masama yon.
Pampoy: Ganon? O e ano na lang?
Admin Staff 2: Wala namang gamot na makakapagpawala ng sangkatutak na sakit mo.
Pampoy: Kahit yung sa sakit ng katawan na lang. Sama talaga ng pakiramdam ko e. Ano nga?
Admin Staff 2: Ano pa? E di yung gamot na pwedeng inumin kahit walang laman ang tyan.
Pampoy: ahhhmmm… Sige, penge ng Biogesic.
Natawa talaga ako. Parang binabayaran lang sya ng Unilab para i-endorse ang Biogesic.
Okay na sana kaso nga lang hindi naman nya kamukha si John Lloyd.
INGAT! LOL!

2 comments:
ay naikuwento mo na to sa akin hehehe. mabuhay ka at magaling ka na pala pampoy. :)
popoy! oo nga, medyo magaling na. Inuubo na lang ng onti. Effective talaga ang Biogesic. Hahaha!
Post a Comment