Tuesday, September 16, 2008

Dear Panget,


Happy Birthday!

Ilang taon ka na nga ulit? Ang laki mo na. Dati binabatuk-batukan at pinapaiyak lang kita, ngayon ikaw na bumabatok sakin at nagpapaiyak. Sorry dun sa mga batok at pagpapaiyak ko sayo nun ha?! Oo trip lang yon, alam mo naman na nagseselos ako dahil alam ko na favorite ka ni mommy. Pero okay na sakin yun ngayon, naiintindihan ko na. Hindi na naman siguro kaila sayo na favorite na rin kita.

Oo, ikaw na bumabatok at nagpapaiyak sakin ngayon pero hindi dahil sa trip mo lang—dahil sa mga katangahan at kagagahan ko. Kahit na mas matanda ako sayo, mas mature kang mag-isip kaysa sakin. At dahil dun napapaiyak mo ko. Naalala mo ba dati nung nakita mo kong umiiyak? Tin-ry ko pang itago kasi baka masira ang moment ko, akala ko aasarin mo ko at pagtatawanan—tulad ng lagi mong ginagawa. Pero nagkamali ako. Nilapitan mo ko at tinanong kung bakit. Habang hinihintay mo ko matapos sa paghikbi at pagsasalita at the same time ay pinupunasan mo yung luha ko sa pisngi at sinabihan mo ko na “okay lang yan, wag ka na umiyak”. Lalo akong naiyak, para akong bata na inagawan ng candy na nagsusumbong sa tatay. I cannot imagine how you’ve made me feel so secured that time. Salamat sa effort mo na patawanin ako, ang-corny mo nun. Hindi ako natawa pero natuwa ako—dahil alam kong kahit anong mangyari sakin lagi ka lang nandyan at hinding hindi mo ko iiwanan.

Yung tawag mo sakin? Alam mo bang nagwawala ako pag naririnig ko yun galing sa ibang tao? Ikaw lang talaga ang pwedeng tumawag nun sakin ng hindi ako na-o-offend. Parang feeling ko “I love you” ang sinasabi mo sakin pag naririnig ko yun from you.

Kung iisa-isahin ko lahat ng reason kung bakit ako humahanga sayo at kung bakit ako grateful dahil ikaw ang naging kapatid ko, baka maging nobela na to. Basta one thing’s for sure, whatever happens nandito lang si ate for you. I’ll always pray for you and your safety. Always be happy and enjoy your day!
We celebrated his birthday 2 days in advance because we will not be able to do so on a weekday.
This is his favorite cake, and believe it or not isang upuan lang sa kanya to. LOL

5 comments:

Lyzius said...

haberdey ke lil bro mo...ang sarap ng me ganyang kapatid...alam ko, kahit di ko pa nasubukan...ahihihihi...

PoPoY said...

pampoy, natats ako sa liham mo na to para sa kapatid mo. sana may sumulat din sa aking ganyan.lols

ate pampoy!!! tinuturing din kitang ate, kasi 18 lang ako tas ikaw ilang taon ka na nga ulit?lols..

swerte ng kapatid mo at nagkaroon ka sya ng kapatid na gaya mo, at maswerte din ikaw dahil may kapatid kang tulad nya.

hapi bday sa lil bro mo. :)

Anonymous said...

Lyzius, oo masarap talaga. Salamat sa pagbati. =)

Popoy, ate ka jan! 18 ka lang?? sinungaling ka! LOL! Salamat sa pagbati. =)

The Mikologist said...

awts,
kakatouch ung letter.
hindi pa ako nagagawan ng letter ng mga kapatid ko,
mabatukan nga ung mga yon,
baka un ang teknik,
hahaha.

thanks for sharing.

Anonymous said...

@mikologist salamat sa pagbisita at sa comment mo. Natawa naman ako, baka pag binatukan mo mga kapatid mo e hindi sulat ang ibigay nila sayo. Hehehe.