Dahil sa aking mga kaibigan ay na-engganyo akong sumali sa pa-contest ni Badoodles na Project Lafftrip Laffapalooza
At ito ang boto ko:
Greenpinoy ni Jason - Nagkaron ako ng online life dahil sa blog na ito. At ito lang ang forums na sinalihan ko. Hindi lang hilarious jokes ang makikita mo dito, makakakita ka rin ng mga tunay na kaibigan. yihee!
Loser's Realm ni Mariano - Kakaiba ang humor ng taong ito. Kahit na garapal na ang mga salitang ginagamit nya e matatawa ka pa rin. Magmula sa nakakaintrigang "scandal" nya hanggang sa nakakapanlumong problema nya sa bahay. Haay nako, wala na kong masasabi pa sa loser na ito.
Chroneicon ni Chie - Aba e kung dito ko rin lang sasayangin sa blog na ito ang oras ko, e malamang lamang forever na kong petiks. Hahaha!
Morning Bolero Kronikels ni KDR - Maliban sa humorous posts nya e hindi nya nakakalimutan maglagay ng facts tungkol sa particular topic nya. Ito yung blog na tipong tatawa ka na may matututunan ka pa, ayos di ba? Ang laki na siguro ng contribution niya sa kita ng google dahil dun.
Last Edited: Sept. 01, 2008
And last but certainly not the least:
*drum roll please*
Astiging Mamon ni Jeck - Ang tanga tanga ko para maniwala sa kanya nung sinabi niya sakin na hindi naman daw humor blog ang blog nya. Sa susunod kasi wag nyo kong i-jo-joke ng ganun, alam nyo naman na mabilis akong maniwala lalo na pag sabi nyo. Ahuhuhu.
Teka lang kailangan ko palang sabihin kung bakit ko sya binoto. Kung pahabaan din lang siguro ng post ang labanan e malamang-lamang panalo na ‘to, no questions asked. E ang kaso hindi naman. Pero syempre kahit naman hindi uso sa kanya ang next paragraph-next paragraph e talaga namang napapabasa nya pa rin ako nito. Ewan ko ba, nakakatuwa lang basahin kung pano nya isulat yung mga everyday experiences nya. Simula sa pagkawala ng ATM nya, araw-araw na pagka-late at ang lagi laging pagtawag ng "miss" sa kanya ng kundoktor. Wehehe, labyu jeck!
Ayan tapos na.
Magtataka siguro sila kung bakit ko sila naboto gayong bihirang bihira naman ako mag-leave ng comment sa mga post nila, iyan ay sa kadahilanang ako ay isang dakilang lurker lamang. Bakit? Simple lang—Blocked sa office namin.
FYI, mas nakakatuwa sila in person promise =D

7 comments:
HOY PAM! I HEARTZ YOU NAH!!! I'm like so nakakaheart-touching naman your votez! Subra! Ahay!
Sana manalo ka ng prices no? OO, as in prices, presyo, ahaha.
Thanks thanks Pam, you're the woman!
][\/][
ahahaha M! presyo talaga no?! Basta, ipagpatuloy mo lang ang pagiging loser mo, ehehe.
salamat nang madami, pampoy. buti na lang may natitira ka pang awa para sa akin. tatanawin ko tong isang malaking utang na loob. ayhartyu. *mwahugz*
salamat nang madami, pampoy. buti na lang may natitira ka pang awa para sa akin. tatanawin ko tong isang malaking utang na loob. ayhartyu. *mwahugz*
jeck, iboboto naman talaga kita. Pasensya na gullible lang. LOL!
wowowee!
salamat pampoy at naisip mong humor blog ang sa akin hehehe
chie chie, natutuwa ako sa mga pinopost mo. =)
Post a Comment